PBBM SUPORTADO 3% CAP SA UNPROGRAMMED FUNDS

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Budget and Management (DBM) na ibaba sa 3% ng national budget ang cap para sa unprogrammed appropriations (UAs).

Sinabi ni Castro na layunin ng DBM na magpatupad ng mas maingat at disiplinadong fiscal approach, batay sa historical data at fiscal trends.

Binabalangkas na rin ang Philippine Budgeting Code na magtatakda ng malinaw na parameters sa paggamit at pagpapalabas ng unprogrammed funds upang maiwasan ang discretionary spending at mapalakas ang fiscal discipline.

Ang panukala ay isusumite sa economic team, Executive Secretary at sa Pangulo para sa pagrepaso at pag-apruba.

Samantala, itinutulak ni Acting DBM Secretary Rolando Toledo ang 3% UA level upang higit na mapahusay ang transparency at accountability sa budget management.

Batay sa datos ng DBM, bumaba ang alokasyon para sa UAs sa P150.9 bilyon noong 2026 mula P363.4 bilyon noong 2025, at mas mataas na antas noong 2024 at 2023.

(CHRISTIAN DALE)

3

Related posts

Leave a Comment