PAGTUGIS KAY ZALDY CO, IBA PANG PUGANTE TINIYAK NA PATULOY

PATULOY ang operasyon ng pamahalaan laban sa mga pugante na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects, kabilang si dating kongresista Zaldy Co.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakikipag-ugnayan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa International Criminal Police Organization upang matukoy ang kinaroroonan ni Co.

“So, ngayon may pending po tayong request for cooperation ng Interpol,” ani Castro, kasabay ng pakiusap sa publiko na huwag mainip dahil multiple agencies ang kumikilos sa kaso.

Dagdag pa niya, may ilang kaso na ang naisampa o may rekomendasyon nang magsampa kaugnay ng flood control controversy. May ilan na ring naaresto habang ang iba ay nananatiling at large.
Hinayaan na umano ng Pangulo ang Department of Justice at Office of the Ombudsman na humawak sa mga kaso habang nakatuon siya sa pagpapalago ng ekonomiya.

“At ang tututukan talaga ng Pangulo ay kung paano pa pauunlarin ang ekonomiya ng bansa,” ani Castro.

(CHRISTIAN DALE)

5

Related posts

Leave a Comment