PCG BANTAY-SARADO SA SUMADSAD NA CARGO VESSEL

OCCIDENTAL MINDORO – Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isinasagawang safe fuel extraction operations sa isang cargo matapos itong sumadsad malapit sa Calavite Point sa bayan ng Paluan sa lalawigang ito, bandang alas-2:00 ng madaling noong Biyernes, Setyembre 1, 2023.

Bumahura sa nabanggit na lugar ang Motor Vessel Jogie 5, na pag-aari ng Preeminent Shipping and Management Corporation, na may kargang 28,000 bags ng semento, matapos itong maisadlak ng malalaking alon sa mababaw na bahagi ng dagat habang binabagtas ang karagatan sa Sitio Kalanginan, Barangay Harrison, Paluan.

Sinabi ng kapitan ng naturang sea vessel na si Arnie Alberto, patungo sila sa Sablayan, Occidental Mindoro mula sa Bauan, Batangas nang salubungin ang barko ng malakas na hangin at malakas na alon dulot ng Habagat na nagdulot ng pagkaanod nito at tuluyang nabahura.

Nasagip naman ng mga lokal na residente ng Sitio Kalanginan ang lahat ng 14 tripulante, kabilang ang kapitan.

(NILOU DEL CARMEN)

203

Related posts

Leave a Comment