NAGSAGAWA ng random drug testing ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A sa lahat ng tauhan nito noong Enero 15, 2026 bilang bahagi ng pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Program ng ahensya.
Isinagawa ang pagsusuri alinsunod sa Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 13, Series of 2018, na naglalayong tiyakin na nananatiling drug-free ang mga tanggapan ng pamahalaan.
Ayon kay PDEA Region 4A Regional Director Ronald Allan DG Ricardo, negatibo sa ilegal na droga ang lahat ng personnel na sumailalim sa pagsusuri.
Patunay umano ito ng mahigpit na disiplina at tuloy-tuloy na adbokasiya ng ahensya laban sa ilegal na droga.
Tiniyak ng PDEA Region 4A na ipagpapatuloy ang ganitong mga hakbang upang mapanatili ang isang ligtas at drug-free na lugar ng trabaho.
(NILOU DEL CARMEN)
48
