PDU30 NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG HOLY RAMADAN

DUTERTE13

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kapatid na Muslim sa buong bansa na nagdiriwang ngayon ng Holy Ramadan.

“In the name of Allah the Most Gracious, the Most Merciful, may the peace, mercy and blessings of Allah be upon you all on the occasion of Eid’l Fib,” ayon sa kalatas na ipinalabas ni Pangulong Duterte.

“I join our Muslim brothers and sisters as they conclude the holy month of Ramadan,” aniya pa rin.

Sa pagdiriwang aniya ng mga ito ng Breaking of the Fast, nawa’y kalinawan ng iniisip at karunungan na nakamit mula sa pagsasagawang ito ay maging inspirasyon na maging buhay na halimbawa sa kung ano ang makabubuti sa Islamic faith.

Gayundin, umaasa ang Pangulo na ang oras ng panalangin ng mga ito ay mapakain ang panloob na lakas at tapang na manatiling totoo sa likas na kabutihan ng sangkatauhan habang umiiwas na maging malala ang kasamaan sa lipunan.

At habang patuloy na bitbit ng mga ito ang kanilang gampanin bilang ‘stewards of peace, love and understanding,’ ay tiwala naman aniya siya na mananatili ang mga ito na committed sa pagwasak sa hadlang na naghahati-hati at naglalayo mula sa isa’t isa.

“It is only in our everyday lives that our religious doctrines find meaningful relevance as it is through our actions and deeds that we attest to the benevolence and grace of the Creator,” lahad ng Pangulo.

“Harnessing the best of our capabilities and perspectives, let us be agents of change in our communities as we contribute to the enlightenment of our nation,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

“I wish you a solemn and blessed occasion,” pagtatapos ng Pangulo. CHRISTIAN DALE

284

Related posts

Leave a Comment