PDu30 sa BARMM local leaders TERORISTA IBASURA

HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa local leaders ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao na tanggihan ang terrorist armed groups na naghahanap ng mapagtataguan o mapagkakanlungan sa kanilang komunidad.

Sinabi ni Pangulong Duterte, ang hindi pagpapahintulot sa mga bandido sa BARMM ay kinakailangan upang mapigilan siyang mag-utos ng “all-out military offensive” laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa nasabing lugar.

“This cannot go on. Kung hindi ko mapigilan and there will be an all-out offensive, ‘yan na ang problema. If I give the order, I will no longer withdraw it,” diing pahayag ni Pangulong Duterte.

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay nangyari sa pakikipagpulog niya sa BARMM officials, kapulisan at military commanders ng 6th Infantry Division (6ID) sa Camp Brigadier General Gonzalo Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang pagbisita ng pangulo sa nasabing lugar ay matapos ang tatlong araw nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at 100 BIFF members sa munisipalidad ng Datu Paglas sa Maguindanao noong Mayo 8. (CHRISTIAN DALE)

180

Related posts

Leave a Comment