PDU30 SA PUBLIKO: LAGING MAG-FACE MASK AT PAIRALIN ANG SOCIAL DISTANCING

FACE MASK-2

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag kalimutang magsuot ng face mask at sundin ang social distancing rules kahit ilan sa mga lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng ‘less strict general community quarantine.’

Binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kanyang public address na nananatili pa rin kasi ang banta ng virus.

“The easing up of the restrictions, hindi ‘yan sabihin na wala na ang COVID. Just because we allowed certain people, dahan-dahan lang para hindi tayo madapa.  We cannot afford a second or third wave na mangyari,” ani Pangulong Duterte sabay sabing “COVID is very lethal.”

Sa kasalukuyan, ang bansa ay nakapagtala ng 11,086 COVID-19 kaso na may 1,999 recoveries at 726 namatay base sa government data.

Kagabi, Mayo 11 ay nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang highest policymaking body on COVID-19 response ng pamahalaan para pag-usapan ang rekumendasyon nito sa magiging kapalaran ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad ngayon sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa.

Nagpahapyaw na si Pangulong Duterte na may ilang lugar ang mananatili sa ilalim ng lockdown subalit hindi naman nito pinalawig ang kanyang sinabi.

Bahala na aniya si Presidential spokesperson Harry Roque ang magpaliwanag sa bagay na ito.

“It behooves upon the spokesman, Secretary Roque, to make it clear for you. Ang blackboard niya is PTV. He will be using that government facility to convey the message of what has been decided tonight,” aniya pa rin.

Si Sec. Roque ay magdaraos ng kanyang regular press briefing ngayong alas-12 ng tanghali. CHRISTIAN DALE

349

Related posts

Leave a Comment