PDU30 UMAASA SA PAGPAPATULOY NG WAR ON DRUGS

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gagawin ng kanyang successor, na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng makakaya nito para patuloy na labanan ang ilegal na droga.

“Well, I trust that the next administration will also do its very best to confront itong drug[s],” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Bagama’t inamin nito na natatakot siya na muling lumaganap ang drug industry kapag nagtapos na ang kanyang termino, nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo na ang mga pulis at sundalo ay panatilihin ang “momentum” sa anti-narcotics campaign.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng Chief Executive na may mga “bulok na itlog” sa police force ng bansa, subalit binigyang diin nito ang ginagawang patuloy na paglilinis ng Philippine National Police (PNP) sa hanay nito.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga bagong miyembro ng PNP na maglingkod sa bayan at sa mamamayan, maging sino man ang lider ng bansa. (CHRISTIAN DALE)

131

Related posts

Leave a Comment