SINABI ng Malakanyang na hindi na mapapanood pa ang regular na public address o Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na karaniwang ginagawa tuwing Lunes ng gabi.
Dito personal na iniuulat ng Punong Ehekutibo ang kanyang mga aktibidad habang nagbibigay rin ng direktiba sa ilan niyang mga gabinete.
Hunyo 6 nang huling humarap si Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People kasama sina DILG sec Eduardo Año, DOH Secretary Francisco Duque, NTF against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr at NDRRMC Executive Dir Ricardo Jalad.
Mayo 31 naman o eksaktong isang buwan bago ang pagtatapos ng termino ng kanyang administrasyon ay isinagawa ang “last full Cabinet meeting.”
Dito nagpasalamat si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete at nag-host ng Thanksgiving party para sa cabinet members kasama ang kanilang esposa. (CHRISTIAN DALE)
