PDUTERTE HINDI PA NAKAPILI NG BAGONG PNP CHIEF

HINDI pa rin nakapipili si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng hahalili kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar.

Subalit, tiniyak ng Malakanyang na malapit na ito.

“Wala pa napipili, mayroon lang pong shortlist,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Pero syempre po, kinakailangang i-anunsiyo naman yan bago magretiro si General Eleazar,” dagdag na pahayag nito.

Isinumite na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte ang limang pangalan upang mapagpilian nito bilang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) kapalit ng magreretirong si PGEN Eleazar.

Nilinaw naman ni Año na kahit nagbigay na siya ng kanyang rekomendasyon sa pangulo ay maaari pa rin itong pumili ng susunod na PNP chief na wala sa kanyang listahan.

Hindi rin naman tinukoy ng kalihim kung sinu-sino ang mga pangalang isinama niya sa listahan.

“The President may choose among the list or he may also exercise his discretion to choose anyone from the current PNP generals. I gave the list to PRRD on Nov. 2, 2021,” aniya pa.

Matatandaang si Eleazar na naupo sa puwesto noong Mayo ay nakatakda nang magbitiw sa Nobyembre 13, 2021, pagsapit niya sa edad na 56. (CHRISTIAN DALE)

197

Related posts

Leave a Comment