ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang ibalik bilang regular holiday ang Pebrero 25 bilang paggunita sa EDSA Revolution.
Sa House Bill No. 7911, iginiit nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Percival Cendaña, Dadah Ismula at Dinagat Islands Rep. Arlene Bag-ao na dapat ideklarang regular holiday ang araw na ito upang kilalanin ang mapayapang pag-aalsa na nagpanumbalik ng demokrasya noong 1986.
Nakasaad sa panukala na ipinakita ng People Power Revolution ang nagkakaisang paninindigan ng sambayanan para sa kalayaan, constitutional government, at rule of law. Iminumungkahi rin na maglaan ng pondo ang pamahalaan para sa paggunita at atasan ang National Historical Commission of the Philippines na magsagawa ng educational activities kaugnay nito.
Matatandaang dating regular holiday ang Pebrero 25, subalit noong 2023 sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ginawang special non-working holiday ang paggunita at inilipat sa Pebrero 24. Sa mga sumunod na taon, hindi na ito isinama sa listahan ng mga holiday.
(TINA MENDOZA)
4
