HINDI na maganda ang diskarte ng Panay Electric Company (PECO).
Totoong karapatan ng PECO na magpahayag ito laban sa katunggali nito.
Pero, ibang usapan kapag peke ang mga ‘tagapagsalita’ at ‘tagapagtanggol’ ng organisasyong ito.
Nabisto ng media ang PECO na ganito ang diskarte nang isapubliko nitong Miyerkoles ng mga totoong kasapi ng Koalisyon Bantay Kuryente Inc. (KBK) ang paggamit sa kanila ng PECO upang palabasing masama ang More Electric and Power Corporation (More Power).
Binatikos ng KBK ang dalawang personahe na sina Jose Allen Aquino at Ruperto Supena na ginamit ng PECO laban sa More Power.
Idiin ng grupo na hindi totoong convenor ng KBK ang dalawa.
Kahit kailan ay walang koneksyon sa KBK sina Aquino at Supena.
Ilang beses nang humarap sina Aquino at Supena sa virtual conference ng PECO kung saan ibinida nilang lehitimong mga lider sila ng PECO.
Tapos, inakusahan ang More Power na palpak ang operasyon nito sa Lungsod ng Iloilo City, kasama ang pagdoble umano ng insidente ng brownout at pagtaas ng system loss, dahilan upang makahiling ng “refund” ang More Power sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Pekeng lider na nga ng PECO ang mga nagsalita, peke pa ang pinagbatayan ng mga akusasyon laban sa More Power.
Pokaragat na ‘yan!
Ayon sa orihinal na pangulo ng KBK na si Halley Alcarde, kung nais nina Aquino at Supena na siraan ang More Power ay gawin nila ito sa kanilang sariling kapasidad at huwag gamitin ang libu-libong miyembro ng KBK.
“Not only are they misrepresenting our organization, they are misleading the public in telling the Manila press that their sentiment is the sentiment of the Iloilo consumers. They have used KBK and its identity without permission. We did not give them that mandate. For the record, these two are not in any way connected with the KBK and cannot speak on behalf of our thousands of members,” paliwanag ni Alcarde.
Upang iwasto ang pamemeke nina Aquino at Supena, magsasagawa ng special meeting ang KBK Board of Trustees para maglabas ng opisyal na pahayag ang KBK sa ERC na nagdidiin na hindi sentimyento ng consumer group ang mga akusasyon nina Aquino at Supena laban sa More Power, saad ni Alcarde.
Maghahanda rin ng mga kasong isasampa laban sa dalawa upang hindi na tuluyan pang magamit ang KBK.
“Our association being the legitimate representative of the Iloilo City power consumers, cannot and will not ignore these acts of misrepresentations by Aquino and Supena, they owe us and the public an explanation and an apology,” patuloy ni Alcarde.
Iginiit din ni Alcarde na mali ang ginawang paninira ng PECO dahil mismong sila na mga konsyumer ang makapagpapatunay na umayos ang power supply sa lungsod nang magtake-over ang More Power.
Bagamat 6 na buwan pa lamang na nag-ooperare ay kapansin-pansin na ang mga pagbabagong ipinatutupad ng More Power sa sistema ng elektrisidad sa Iloilo City.
“Although we wish not to take sides on the issue between PECO and More Power. It is our common stand that Iloilo City is far better with More Power, especially as we see day-to-day improvements of the distribution services.
There are also downsides, but we are mindful of the fact that the power anomalies and outrages we are experiencing right now are a result of PECO’s severely underdeveloped distribution facilities and neglect,” paliwanag ni Alcarde.
Ang KBK na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay koalisyon ng iba’t ibang organisayon sa Iloilo City na kinabibilangan ng mga taong simbahan, transport cooperative, samahan ng mga guro at magulang, asosasyon ng mga jeepney drivers at operators at ang Bawal ang Korap, isang advocacy group
