(Ni JO CALIM)
AAbot sa halagang P160 milyon pekeng sigarilyo at paraphernalia ang nasabat ng Bureau of Customs-Enforcement and Security Service (BOC-ESS) sa Bulacan kamakailan.
Napag-alaman na ang nasabing mga pekeng sigarilyo ay nakaimbak umano sa loob ng isang warehouse sa Bulacan dahilan upang kumpiskahan ito ng BOC-ESS noong nakaraang Hunyo 13 gayundin ang mga makina na ginagamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo.
Nauna rito, inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang nasabing mga kargamento bilang paglabag sa Section 1113 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
May kaugnayan pa rin ito sa Section 1401, at ng RA 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.
Ang sunud-sunod na pagkakasabat ng mga pekeng sigarilyo at iba pang paraphernalia ay resulta na rin sa lalong pinaigting na kampanya ng Customs laban sa mga ilegal na kargamento.
Nauna nang may nakumpiskang mga makinang ginagamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo mula sa Quezon City.
