HINIHINALANG ginahasa muna ang isang 12-anyos na dalagita bago pinatay makaraang matagpuan ang hubo’t hubo’t nitong bangkay na tadtad ng saksak sa bayan ng San Narciso sa lalawigan ng Quezon noong Biyernes.
Kinilala ng San Narciso Police ang biktimang si Anne Banico, Grade 7 student at residente ng Barangay Punta.
Batay sa report, nagtungo sa masukal na bahagi ng bundok ang dalagita upang maghanap ng signal para makausap ang kanyang guro sa cellphone kaugnay sa modules ngunit hindi na ito nakauwi at natagpuang wala nang buhay. (NILOU DEL CARMEN)
189
