AALAMIN ng House committee on housing and urban development kung ligtas sa kalamidad ang mga informal settler na ni-relocate.
Ito ay matapos madale sa bagyong Ulysses ang mga relocation site sa Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal.
Magugunita na kasama ang nasabing village sa lumubog nang manalasa ang Bagyong Ulysses na naglagay sa mamamayan sa panganib.
“The rationale for relocating informal settler families and establishing resettlement sites is to provide them with safe homes,” ani Rep. Naealla Bainto Aguinaldo, vice chairman ng nasabing komite.
Gayunpaman, nalagay sa panganib ang buhay ng mga nakatira sa Kasiglahan Village kaya kailangang alamin kung ligtas din sa kalamidad ang iba pang relocation sites na pinagdalhan ng gobyerno sa mga informal settler na inalis sa Metro Manila.
Hindi umano ito ang unang pagkakataon na nalagay sa panganib ang mga residente ng Kasiglahan Village dahil noong 2014 ay lumubog din ang nasabing lugar nang manalasa ang Bagyong Luis. (BERNARD TAGUINOD)
176
