PERMACULTURE IPAKIKILALA SA MGA QCITIZEN

Magtutulungan ang Quezon City Government at Philippine Permaculture Association (PPA) para isulong at ipakilala ang permaculture sa mga QCitizen.

Ang permaculture ay isang sustainable system ng matalinong paggamit ng lupa at likas na yaman, kung saan minimal ang nalilikhang basura at napangangalagaan ang kalikasan.

Sa pulong ng PPA at lokal na pamahalaan, inilatag ang plano para sa PermaKyusi Conference — isang pagtitipon na tatalakay sa kahalagahan ng permaculture — na gaganapin sa Quezon Memorial Circle mula Nobyembre 27 hanggang 30.

Dumalo sa pulong sina Mayor Joy Belmonte, PPA Founder Bert Peeters, PESO Head Rogelio Reyes, QMC Administrator Windsor Bueno, at Tina Perez ng Joy of Urban Farming.

(DANNY QUERUBIN)

56

Related posts

Leave a Comment