PETSA NG 2020 BAR EXAM ‘DI PA TIYAK

DAHIL sa krisis  na kasalukuyan bunga ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay hindi tuloy makapagbigay ng eksaktong petsa ang Office of the Bar Confidant ng Korte Suprema (KS) kaugnay ng taunang Bar examination.

Kung sa mga nakaraang bar exam ito ay ginaganap sa buong apat na araw ng linggo ng buwan ng Oktubre, posibleng hindi ito masusunod ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa inisyung bar bulletin number 12 na pirmado ng chairman ng 2020 Bar exam na si Supreme Court Associate Justice Mario Victor Leonen, nakasaad na matapos ang kanyang isinumiteng rekumendasyon sa SC En Banc ay napagkasunduan na magpapalabas na lamang sila ng anunsyo ng eksaktong petsa o buwan para sa susunod na bar exams.

Tiniyak naman ni Justice Leonen na hindi lalagpas o mas maaga sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon o 2021 ang gagawin nilang anunsyo.

***

Dala marahil ng pagiging isang magaling at iginigalang na kalihim ng Department of Justice (DOJ) kung kaya’t inendorso ni dating Sandigan Bayan (SB)  Associate Justice (AJ) Rauol Victorino

upang maging susunod na Associate Justice (AJ) ng Supreme Court (SC)  si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ito ay para sa iiwang position ni Supreme Court Associate Justice Jose Reyes Jr. na nakatakda ng magretiro sa dara­ting na Sept 18 taong ­kasalukuyan dahil sa Mandatory Retirement na 70 years old.

Sa dalawang pahinang endorsement letter na pirmado ni Justice Victorino na kaniyang isinumite sa makapangyarihang Judicial and Bar Council (JBC), sa dekadang paglilingkod ni Secretary Guevarra bilang public official ay napatunayan na niya ang di matatawarang rekord bilang isa sa mga kinikilala at tinitingalang personalidad sa legal circle.

Sinabi ni Justice Victorino na napapanahon na para kay Secretary Guevarra na maging miyembro ng SC dahil sa karanasan nito bilang isang legal expert at paghawak na rin ng maraming mga matataas na posisyon sa pamahalaan.

Ilan dito ay ang pagiging Deputy Executive Secretary for legal affairs ng office of the President, naging oversight representative ng office of the Executive Secretary (ES). At iba pang mataas na position ng pamahalaan bago ito naitalaga bilang  SOJ.

Bukod doon nagtapos bilang second honor sa Ateneo law school si Guevarra at naging number two sa 1985 Bar Exams.
Sakaling maitalaga sa SC si Secretary Guevarra ay maituturing anya na maging kapaki-pakinabang ang kalihim sa kataas-taasang hukuman at sa buong larangan ng hudikatura.

Bagamat umaasa si Justice Victorino na tatangapin ni Secretary Guevarra ang kanyang endorsement pero wala pang naging tugon ang kalihim sa tungkol dito.
Nauna na dito’y sinabi ni Secretary Guevarra na kung sakali mang umalis na siya sa DOJ at ­pamimiliin siya ng bagong posisyon ay mas nais niyang maging isa sa mga mahistrado ng Supreme Court.

151

Related posts

Leave a Comment