PH, CHINA NAGDAOS NG BILATERAL TALKS SA CEBU UKOL SA USAPIN NG SCS

NAGDAOS ng bilateral talks ang mga senior diplomat mula sa Pilipinas at Tsina ukol sa pinagtatalunang South China Sea sa sidelines ng ASEAN ministerial meeting sa Cebu.

Pinangunahan ang pulong nina DFA Undersecretary for Policy Leo Herrera-Lim at Hou Yanqi, Director-General ng China’s Department of Boundary and Ocean Affairs, kung saan tinalakay ang maritime issues at ang implementasyon ng umiiral na non-binding ASEAN-China code.

Ayon sa DFA, naging bukas at prangkahan ang palitan ng pananaw hinggil sa bilateral relations, regional concerns at international issues na may mutual interest.

Nagbabala ang DFA na ang patuloy na “word war” sa pagitan ng mga opisyal ng dalawang bansa ay maaaring makasira sa diplomatikong espasyo na kinakailangan upang pamahalaan ang tensyon sa karagatan.

Iginiit ng Pilipinas ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na dayalogo habang nananatili ang pag-angkin ng Tsina sa halos 90 porsyento ng South China Sea, kabilang ang mga lugar na saklaw ng soberanya ng Pilipinas at iba pang bansa sa rehiyon.

(CHRISTIAN DALE)

13

Related posts

Leave a Comment