PH ECONOMY MANANATILING MATATAG SA 2023

MANANATILING “comparatively strong” ang ekonomiya ng Pilipinas sa 2023.

Ito’y sa kabila ng inaasahang pagbagal sa nasabing panahon dahil sa natitirang headwinds.

Base ito sa tweet ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.

“After a likely over 7.0% growth in 2022, yes, we may slow down, given still external headwinds and internal challenges, but the economy will remain comparatively strong in 2023,” ayon kay Balisacan.

Sa ulat, lumago ang ekonomiya ng 7.6% sa third quarter ng taon dahil sa wholesale and retail trade, financial at insurance activities, at construction.

Dahil dito, ang year-to-date average ay pumalo na sa 7.7%.

“This follows the upwardly adjusted 7.5% in the second quarter, and downward revised 8.2% in the first three months of the year,” ayon kay Balisacan.

Sa ulat, malabong humantong ang Pilipinas sa “recession” o pagbagsak ng ekonomiya.

Pagtiyak naman ito ni Secretary Benjamin Diokno bilang tugon sa tanong ng Commission on Appointments kung ano ang mga plano ng Department of Finance upang mabawasan ang epekto ng nagbabadyang global recession.

Sa kanyang pagharap sa makapangyarihang komisyon para sa kanyang ad interim appointment, isa sa mga itinurong dahilan ng kalihim, ang “young population” ng bansa sa labor sector.

Halimbawa na lamang anya nito ang unemployment rate na 5%, na pinakamababa bago pa magsimula ang COVID-19 pandemic.

Binigyang-diin ni Diokno na sa gitna ng pagsasa-prayoridad ng gobyerno sa agrikultura, pagbuhay sa mining, power industry at manufacturing bukod pa sa pagpapadala ng overseas workers ay malabong magkaroon ng recession sa bansa.

Iginiit ng DOF chief na “manageable” ang utang bansa at hindi dapat ikabahala sa kabila ng patuloy na paglobo nito. Malabo umanong matulad sa Sri Lanka dahil mayroong malakas na economic strategy ang Pilipinas sa susunod na 6 na taon. (CHRISTIAN DALE)

220

Related posts

Leave a Comment