ITINAAS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Alert Level 3 sa Iran at Israel.
Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang upang matiyak ang ligtas, napapanahon at maayos na pagbabalik sa bansa ng mga Pilipinong manggagawa na nais na mag-avail ng voluntary repatriation program.
Sa kabilang dako, nakatakda namang tanggapin ni Secretary Hans Cacdac ng Migrant Workers (DMW), na kasalukuyang nasa Amman, Jordan, ang first batch ng 26 repatriates mula Israel at King Hussein Crossing.
“In Israel, we have already provided food packs and financial help to our kababayans. Many are staying in our migrant workers’ office hostel with more space ready should it be needed,” ayon sa Pangulo.
Kasalukuyan na aniyang pinproseso ang 200 requests o kahilingan para sa repatriation at mabilis na kumikilos para maiuwi na ng Pilipinas ang mga ito habang ang iba naman ay mas pinili na manatili sa kanilang trabaho.
“We continue to monitor our OFW caregiver who remains in hospital— stable but still on oxygen support and a ventilator. We are in touch with her family and are making sure she gets the care that she needs,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
Sa Iran naman aniya, naghahanda ang embahada para sa repatriation ng initial batch na walong filipino sa mga darating na araw.
Sa pagdating sa Pilipinas, makatatanggap ang mga ito ng agarang suporta mula sa gobyerno kabilang na ang P150,000 na kagyat na tulong, ilang accommodation, transport at livelihood support’ na may training vouchers upang tulungan ang mga ito na makabangon at makapagsimulang muli.
“And for those who choose to stay home for good, we will be there to help with skills training, job matching, startup capital, and support to begin a small business or find new opportunities,” ayon sa Pangulo.
Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang mga kapwa niya Pilipino na makipag-ugnayan sa mga embahada sa Tel Aviv at sa Tehran.
Ang payo naman ng Pangulo ay “Please follow their guidance, inform them of your situation, and do not hesitate to ask for assistance.”
“Your government continues to act and is ready to serve to protect your safety and well-being,” ang tinuran ng Pangulo sabay sabing
“Nothing is more important than the safety of every Filipino.”
(CHRISTIAN DALE)
