PH WALA PANG NATANGGAP NA EXTRADITION REQUEST PARA KAY QUIBOLOY SA US – DOJ

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Justice (DOJ) na wala pang natatanggap na opisyal na dokumento ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa extradition request mula sa Estados Unidos para kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang ambush interview sa DoJ, tiniyak ni Undersecretary Nicholas Felix Ty na wala pa silang hawak na extradition request mula sa bansang Amerika.

Reaksyon ito ng DOJ sa ulat na may kopya na umanong naipasa sa kagawaran noong Hunyo, 2025.

Sinabi naman DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, hindi maaaring ipalabas ng bansa ang isang tao akusado sa extradition hangga’t may nakabinbing kasong kriminal laban sa kanya sa ating bansa.

“Local jurisdiction takes priority, the rule is that he must first face trial and, if convicted, serve his sentence here before extradition may proceed,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, nilinaw ni Clavano na may kapangyarihan ang mga korte na kumilos nang may agarang aksyon kung kinakailangan upang hindi maantala ang isang balidong extradition request.

Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa child sex trafficking sa Pilipinas at Estados Unidos.

(JULIET PACOT)

72

Related posts

Leave a Comment