PHILHEALTH OFFICIALS KAKASUHAN KAHIT MAG-LEAVE OF ABSENCE

IGINIIT ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na hindi matatapos ang mga kontrobersiya sa PhilHealth sa pagli-leave ng mga regional officer ng ahensiya.

Sinabi ni Go na bagama’t welcome sa kanya ang leave of absence ng  anim na PhilHealth regional officers, dapat pa ring  ipatupad ang preventive suspension  sa ibang mga akusado  sa anomalya
para mabigyan ng  integrigdad ang  isinasagawang  imbestigasyon.

Sinabi pa ng senador na para matigil ang  kalokohan sa ahensiya, dapat pilayin  ang magnanakaw para hindi na makagalaw pa.

Ayon kay Go, batid nitong hindi lahat ay nakikita ng  pinuno ng isang ahensiya  dahil marami rin ang nag-o-operate sa mga nasa ibaba.

Dagdag pa nito, hindi pa tapos ang  imbestigasyon  hanggang  hindi  nalilinis ang systematic corruption  at hindi pa naparurusahan ang mga sangkot. (NOEL ABUEL)

177

Related posts

Leave a Comment