PHILIPPINE CORRUPTION AND SWITEK OFFICE?

MAGING WAIS KA

Ipinatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos pumutok ang issue ng korapsyon. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang opisinang ito ang isa sa takbuhan ng mga Filipino kung kakailanganin ang tulong na medikal. Hindi naman na siguro bagong problema rito sa bansa na para tayong ginigisa sa sarili nating mga mantika? Ang perang sana ay magsasagip ng mga buhay, ginawang ilegal na hanapbuhay.

Nakalulungkot na ang opisinang kilala sa salitang “charity” ay naging matunog

kamakailan sa isyu ng korapsyon. Mahirap man sikmurain, may mga pagkakataong

nagmamaskara sa pagiging matulungin ang isang magnanakaw. Nakilala ang

ahensyang ito na isang opisinang malalapitan ng lahat sa oras ng krisis

pangkalusugan. Ngunit, kinapitan rin pala ng mga taong may krisis sa malilikot nilang mga kamay.

Ayon sa pahayag ng Malacañang, may pandarayang nagaganap sa tamang

pagreremit ng bahagi ng pamahalaan sa kinikita ng ahensya. Ayon sa batas, dapat mairemit ang state-controlled corporations ang 50% ng kanilang taunan kita sa gobyerno.

Sa report ng Commision of Audit noong nakaraang taon, matagal nang tinawag ang pansin ng ahensya sa ‘di pagbibigay ng tamang bahagi sa gobyerno simula 1994. Sa loob ng 25 taon, kung tumutubo ang ‘di nairemit na salapi magkano na kaya iyon?

Ilang rural health unit kaya ang nabigyan ng ambulansya, karagdagang bed-capacity o kaya naman ay ilang buhay ang nasagip?

Nireport din ng COA na kulang ang naibibigay na buwan-buwan na bahagi sa kinita sa Small Town Lottery at iba pang mga isyu na milyun-milyong halaga ang pinag-uusapan.

Malaki rin ang gagampanan na bahagi ng PCSO sa pagpapalawak ng Universal

Health Care program ng pamahalaan. Kaya malaki rin ang kinakailangan na salapi

na sana’y ngayon pa lamang ay hindi na iisipin ng pamahalaan kung ang ahensya

ay napatakbo nang tama at matapat.

Siguro madaling napapansin ang mga korapsyon kung malaking pera ang

pinag-uusapan. Ngunit, walang laki or presyo na pinipili ang batas. Hindi lang naman sa PCSO, nagigisa tayo sa sarili nating mantika. Kundi mismo mula sa pinakamaliit na opisina nangyayari ang korapsyon.

Maging WaIs sana tayo sa pagpili ng mga taong pagkakatiwalaan natin ng pera ng

bayan, na sana tayong lahat ay makikinabang. Hindi lang sa malalaking ahensya, kundi hanggang sa pinakamaliit na opisina.

Para sa komento, at suhestiyon maaaring mag email sa Ilagan_ramon@yahoo.com o sa facebook account na: Mayor Mon Ilagan Account (Maging WaIs Ka / Mon Ilagan)

161

Related posts

Leave a Comment