Physical evidence ng namatay na inmates ipasusumite sa Kamara NBP DOCTORS GIGISAHIN

HINDI lang paglalabasin ng physical evidence ang Bureau of Corrections (BuCor) hinggil sa mga namatay umanong high profile inmate sa National Bilibid Prison (NBP) lalo na ang mga drug lord kungdi pipigain din ang mga doktor nito.

Ito ang tiniyak ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers sa ipatatawag na imbestigasyon ukol sa sunod-sunod na pagkamatay umano ng mga high profile inmate sa Bilibid.

“Hingian natin ng pictures, CCTV footages, o di kaya pagsalitain ang attending physician para i-certify ang cause of death ng mga ito para mawala ang pagdududa ng taumbayan,” ani Barbers.

Base sa mga report, umabot sa 29 inmates ang namatay sa COVID-19 simula Mayo 30 hanggang Hulyo 18, 2020 at 9 umano rito ay mga drug lord.

Ayon sa mambabatas, hindi maiwasang magduda ang mga tao dahil walang bangkay ng mga high profile inmate na nakita na kinabibilangan ng mga Chinese national.

Tanging ang abo ni Jaybee Sebastian ang ipinakita ng BuCor kaya kailangan aniyang maglabas ng ebidensya kung sino ang mga namatay na agad pina-cremate.

Ganito rin ang pahayag ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran dahil nakasalalay umano rito ang national interest lalo na’t kabilang sa na-cremate ay mga drug lord na mayayaman.

“It is a matter of national interest that’s why we are calling for transparency. The concerned agencies must present fool-proof evidence regarding the death of a high profile inmate and others,” anang mambabatas.

Dahil dito, kailangang ilabas ng BuCor ang kanilang ebidensya na ang mga high profile inmate talaga ang kanilang ipina-cremate at huwag aniyang gamitin ang Data Privacy Act sa isyung ito.

“There is no hindrance for the Bureau to withhold information about the deaths of inmates in their custody,” ayon naman kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon matapos ikatwiran ng BuCor na hindi nila inilabas sa media ang isyung ito dahil sa umiiral na batas. (BERNARD TAGUINOD)

216

Related posts

Leave a Comment