PILIPINAS ‘DI MADADAMAY SA IRAN WAR — DND

WALANG batayan ang pangambang masasangkot ang Pilipinas sa giyera sa pagitan ng US-Israel at Iran.

Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sabay sabing ang mga alyansa ng bansa ay para lamang sa depensa at deterrence.

Ayon sa Department of National Defense DND), mali at walang intelihensiyang basehan ang kumakalat na social media posts na maaaring targetin ng Iran ang EDCA sites sa bansa.

Nagbabala rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa disinformation na layong maghasik ng takot.

Iginiit ng AFP na ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay nagpapalakas sa humanitarian assistance, disaster response, at territorial defense preparedness ng Pilipinas.

Nananatiling alerto ang DND katuwang ang Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers para sa kaligtasan at posibleng repatriation ng mga OFW sa Gulf region.

(JESSE RUIZ)

12

Related posts

Leave a Comment