PILIPINAS KOKONTROLIN NG CHINESE? 

Bilyong dolyar na ipinasok gagamitin sa politika

ISA sa kinatatakutan ng Kongreso sa malayang pagpapapasok sa bilyong dolyar sa Pilipinas ay gagamitin ito sa politika para kontrolin ang lider ng bansa at hindi na nila kailangang gumamit pa ng military power para masakop tayo.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, kailangang madaliin umano ng mga awtoridad ang paghahanap sa mga dayuhang nagpasok ng pera mula sa ibang bansa at matanong kung saan nila ginamit ang nasabing salapi.

Paliwanag ni Salceda, bukod sa terorismo ay hindi isinasaisantabi ng mga mambabatas ang posibilidad na maaaring gamitin ang nasabing pera para pondohan ang isang politiko at makontrol ang bansa kalaunan.

“Alam mo na, eh kung pondohan ang isang politiko, hindi mo na kailangang i-invade ang isang country dahil hawak mo na yung namumuno so mahirap po. We cannot risk that kind of situation,” saad ni Salceda.

Walang binabanggit si Salceda kung anong bansa ang posibleng nasa likod nang pagpapapasok ng $1.02 Billion noong nakaraang taon, subalit karamihan sa 1,000 dayuhan na nagpasok ng nasabing halaga sa bansa ay mga Chinese.

Dismayado naman si Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers dahil hindi man lamang umano naalarma ang mga kinauukulan sa napakalaking halagang ipinasok ng mga dayuhan sa bansa.

Nabatid na bukod sa Chinese group ay isa pang grupo na tinawag na “Rodriguez Group” na walang kahirap nagpasok ng pera sa bansa at hanggang ngayon ay hindi malaman kung saan ginamit ito.

Subalit ang labis na ikinadismaya ng mambabatas ay escorted umano ng mga pulis at sundalo ang grupong ito gayung trabaho ang trabaho nila ay pangalagaan ang seguridad ng bansa.

“Worse, officials of these agencies knew the persons/personalities involved – the “Chinese Group” and the “Rodriguez Group” – and operatives of these syndicates are being escorted by police and military personnel in their very suspicious activities here,” dagdag ni Barbers. BERNARD TAGUINOD 

 

183

Related posts

Leave a Comment