MAYROON nang dalawang gintong medalya ang Pilipinas sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ang pangalawang ginto ng bansa ay mula kay Jack Escarpe sa men’s -73kg category sa kurash, Biyernes.
Maliban sa gold medal, ang national kurash team ay mayroon na ngayong three silver at three bronze medals.
Ang kauna-unahang ginto ng Team Pilipinas ay mula kay Francine Padios ng pencak silat.
