PINAG-AARALAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad na alisin na ang polisiya ukol sa paggamit ng face shields sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbaba ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay maaaring makapaghikayat sa IATF-EID na i-withdraw ang requirement ng pagsusuot ng face shield sa ibabaw ng face mask.
“I can confirm po na habang bumababa ang mga numero, eh pinag-uusapan na rin po kung ipagpapatuloy pa ang pagsusuot ng face shields,” ayon kay Sec. Roque, tumatayo rin bilang IATF-EID spokesperson.
Nitong Lunes, nakapagtala ang Pilipinas ng 3,117 bagong COVID-19 infections, dahilan para pumalo sa 2,790,375 ang case count sa bansa.
Tinatayang may 43,185 active COVID-19 cases, 2,703,914 ang gumaling sa nasabing sakit , at 43,276 naman ang namatay. (CHRISTIAN DALE)
184 