Pinag-aaralan ng NTF COVID-19 BATANG WALANG GADGET PWEDE SA INTERNET SHOPS

SA gitna ng malaking problemang kinakaharap ng online at modular type of learning, pinag-aaralan ngayon ng National Task Force on COVID-19 na pinamumunuan ni Secretary of National

Defense Delfin Lorenzana ang panukalang payagan na ang mga menor de edad na walang gadget na makapasok sa mga computer at internet shop.

Sa pahayag ng Joint Task Force COVID Shield, bahagi ito ng mga hakbangin kung paano matutulungan ang mga maralitang mag-aaral na walang kakayahang makabili ng kanilang gadget o hindi natulungan ng mga local government unit na mapagkalooban ng laptop o tablet.

Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, base sa kanilang umiiral na alituntunin ay bawal ang mga minor na pumasok sa business establishments kabilang ang computer at internet shops na bahagi ng ipinatutupad na minimum health requirement bilang pag-iwas sa COVID-19.

Subalit, sinabi ni Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Eduardo Año, na siya ring vice chair ng NTF Against COVID-19 na idudulog nila ang isyu sa gaganaping pagpupulong ng

Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“We feel and understand the concerns of both the students and the parents, especially the poor, in this new kind of learning method.

That is why the national government, through the NTF on COVID-19 and the IATF are really finding ways to extend all the necessary assistance to them,” pahayag pa ni PLt. Gen. Eleazar.

Alam umano ng NTF at IATF na may mga Local Government Unit (LGU) ang nagkakaloob ng gadgets at internet connection sa kanilang mga estudyante, subalit karamihan sa mga LGU ay walang sapat na pondo para ayudahan ang lahat ng mag-aaral sa kanilang nasasakupan.

Una rito, inihayag ni PLt. Gen. Eleazar na si Philippine National Police Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ay inatasan na ang lahat ng local police commanders na tulungan ang mga online learner sa kanilang respective Areas of Responsibility (AORs).

Isa na rito, ayon kay gen Eleazar ang pag-apruba sa rekomendasyon ng JTF COVID Shield para sa lahat ng police commanders na gumawa ng kanilang mga inisyatiba para sa mahihirap na magulang at mag-aaral sa pag-access ng internet connection para sa kanilang online classes, dahil ang mga maralitang mag-aaral ay walang kakayahang bumili ng computer at gadgets.

Kamakailan ay inatasan ng JTF COVID Shield ang lahat ng police commanders na paigtingin ang police visibility sa mga barangay upang matiyak na hindi magugulo o maiistorbo ang pag-aaral ng mga online at modular learning student sa ingay ng mga tambay. (JESSE KABEL)

105

Related posts

Leave a Comment