TINATAYANG aabot sa 40 milyong COVID-19 vaccine ang aangkatin ng Pilipinas sakaling maging
available na ito sa world market.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, base sa naging pahayag nina Pangulong Rodrigo
Roa Duterte at Finance Sec. CarloS Dominguez, dalawang beses ang gagawing pag-purchase ng
bakuna kontra COVID-19 kung saan mauunang ideliver ang 20 milyong piraso nito.
Pero paglilinaw ni Roque, hindi niya lng alam kung ilan ang bibilhin sa Russia at ilan sa iba’t ibang
parte ng daigdig.
Aniya, nakadepende pa rin ang aktuwal na dami ng bibilhing vaccines sa magiging availability nito.
Ang mabibigyan ng libreng vaccine na ito, ang mga kababayang nasa kategorya ng “poorest of the
poor.” (CHRISTIAN DALE)
125
