HANDA na ang Pilipinas na tumanggap ng fully vaccinated international travelers simula sa Pebrero 10, 2022.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na naghahanda na ang sektor para sa kaganapang ito simula nang isara ang mga borders noong 2020.
Sinabi ni Puyat na karamihan sa mga turista ay nakatanggap na ng kanilang bakuna laban sa coronavirus.
“While this will be the first time the Philippines is opening its doors for foreign leisure travelers since the start of the pandemic, the tourism industry has prepared for this development for close to two years,” ayon sa Kalihim sa isang text message.
“We look forward to welcoming our foreign visitors once again especially with Metro Manila, the country’s main international gateway, placed under Alert Level 2,” aniya pa at tiniyak ding nakataas ang health at safety protocols para mapigilan ang hawahan ng virus.
Sa ngayon, may kabuuang 157 bansa ang ine-enjoy ang kanilang visa-free entry privileges sa Pilipinas kabilang na rito ang ilan sa top tourist markets gaya ng South Korea, Australia, Canada, Japan, Malaysia, Singapore, United Kingdom, United States at Germany.
Hinggil naman sa paghahanda sa destinasyon, sinabi ni Tourism Promotions Board (TPB) chief-operating-officer Ma. Anthonette Velasco-Allones na ang bansa ay nakapagtatag ng 79 tourism circuits, na kinabibilangan ng travel-ready places sa iba’t ibang rehiyon. (CHRISTIAN DALE)
