PINAS MAGPAPADALA NG HCWs SA JAMAICA

SASAKLOLOHAN ng Pilipinas ang bansang Jamaica upang punan ang kakulangan sa healthcare workers ng naturang bansa.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) kasunod ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) ng ahensya sa pagitan ng Ministry of Health ng Jamaica, na magpapahintulot sa mabilisang pagpapadala ng mga Pinoy healthcare worker para sa capacity building.

Hindi naman tinukoy ng DOH kung gaano karami ang healthcare workers na ipadadala sa Jamaica.

Nilagdaan ang naturang kasunduan nina Philippine Health Secretary Teodoro Herbosa at Jamaican Health Minister Christopher Tufton sa Kingston, Jamaica.

Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng palitan ng mga kaalaman ang 2 bansa sa mga larangan tulad ng biotechnology at epidemiology at pagtugon sa health workforce sustainability.

Samantala, committed naman si Sec. Herbosa sa agarang pagpapadala ng mga Pilipinong healthcare workers sa Jamaica na naglalayong pahusayin pa ang kanilang kapasidad sa pamamagitan ng exposure sa healthcare system ng Jamaica habang tinutulungan ang health workforce shortage sa bansa. (JULIET PACOT)

41

Related posts

Leave a Comment