‘PINAS MAS KILALANIN PA!

Calaguas-2

Sa mga hindi pa nakaaalam, ang kabuuang bilang ng mga isla sa Pilipinas ay nasa 7,641.

Gaano ba natin kabisado ang ating bansa? May karagdagang rason na tayo para bumiyahe pa at libutin ang iba’t ibang lugar sa bansa.

Mula ito sa dating dami ng mga isla sa bansa na nasa 7,107 lamang. Samakatuwid ay 534 ang nadagdag na mga isla.

Ngunit maraming nag-aakala na ang tulad ng Boracay ay tanging magandang lugar lamang sa bansa na pupuwedeng puntahan.

Kung tutuusin ay mas masarap puntahan ang mga lugar na sinasabing hindi pa gaanong nadidiskubre, o hindi pa gaanong tinatao pero sariwa naman sa ganda at hindi nadudumihan.

Kailangan lang sa mga tunay na naglalakbay ay hanapin ang hindi nakasanayan – doon tayo sa mas “bago” gaya ng Calaguas. Puwedeng simulan ito sa kalapit ninyo lamang mga lugar at hindi kailangang gumastos nang malaki.

Kailangan lang mag-ipon at tiis-tiis muna sa pagbili ng mga milk tea at mamahaling kape at iba pang mga bagay. Doon ka sa makakadagdag ng iyong experience at mas maging ganado mula rito.

396

Related posts

Leave a Comment