PINAS NAKIKIDALAMHATI SA LEBANON

NAKIISA ang Pilipinas sa mga mamamayan sa Lebanon na dumaranas ngayon ng matinding pagdadalamhati dahil sa pagsabog sa port of Beirut nitong Martes.

“Our thoughts and prayers are with the Lebanese people,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Sec. Roque na kaisa sila ng mga pamilya at kaibigan ng mga Filipino na nasawi at nasugatan sa nasabing pangyayari.

Sa kabilang dako, iniutos na sa Deparment of Foreign Affairs na tulungan ang mga Filipino na apektado ng pagsabog sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Beirut.

Sa ulat, kabilang ang dalawang Pinoy sa mahigit isandaang patay habang umakyat na sa mahigit 4,000 ang nasugatan kabilang ang anim pang Pinoy.

Tinatayang nasa 33,000 pa ang Pinoy sa nasabing bansa at malaking bilang nito ay nasa Beirut.

Sa datos ng mga opisyal sa Lebanon, sumampa na sa mahigit 70 ang nasawi sa pagsabog at mahigt 3,500 ang nasugatan sa pagsabog sa port warehouses na sinasabing iniimbakan ng mga highly
explosive material.

Samantala, sinabi ng DFA na para sa mga Pilipinong kailangan ng tulong, maaari nilang kontakin ang Philippine Embassy sa mga numerong +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961
70681060 at +961 70858086, sa kanilang email na beirutpe@gmail.com, o sa kanilang Facebook account. (CHRISTIAN DALE)

120

Related posts

Leave a Comment