PINK NOON, BLACK NGAYON

TILA nagluluksa si dating Vice President Atty. Leni ­Robredo sa kanyang pagkatalo sa nagdaang halalan matapos ang unang araw ng Hulyo na muling humarap ito sa publiko suot ang itim na damit upang ilunsad ang kanyang Angat Buhay non-government organization.

Kasama ang ilang dating private partners at staff nito mula sa Office of the Vice President, binuksan ni Robredo ang kanilang dating Leni-Kiko Headquarters sa QC upang ipagpatuloy umano ang kanilang nasimulan noon na sentro sa pagtulong sa edukasyon, kalusugan, disaster response at community engagement.

Kaugnay nito, handa namang suportahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Angat Buhay foundation ni Robredo. Ayon kay ­Secretary Erwin Tulfo, kanilang paiiralin sa administrasyon ni PBBM ang unity at hindi ang pagtingin sa nakalipas sa ano mang kulay nito.

Nauna nang sinabi ni Executive Secretary, Atty. Vic Rodriguez noong Mayo na karapatan ng lahat na mag-organisa basta’t ito’y naaayon sa batas at makatutulong sa ating mga kababayan, at kanila itong irerespeto.

Matatandaang isa ang kampo ni Robredo sa mga naging mahigpit na kritiko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nagdaang May 9 elections ngunit mas nanaig ang boses ng 31 ­milyong Pilipino na nilabanan ang mga mapanirang akusasyon sa pamilya Marcos na mula pa noong 1986 ay hindi nakitaan ng paghihiganti sa kanilang mga kaaway sa pulitika.

Maganda ang hangarin ni Ginang Robredo kung bukal sa kanilang loob ang pagtulong sa ­ating mga kababayan lalo’t ang ­ating bansa ay hindi pa nakababangon mula sa pagkakalugmok nito. Ngunit, bakit kaya mula sa kulay pink ay mas pinili nila ang black para sa kanilang NGO? Ito kaya ay isang pagpapakita ng pro­testa sa administrasyon ni PBBM o sadyang nagkataon lamang?

‘Di kaya fan lamang si Robredo ng KPOP group na BlackPink?

Tayo naman ay humahanga sa walang kapaguran na pagkilos ni Ginang Robredo, matapos ang stress na inabot ng lahat ng mga kandidato sa nagdaang halalan, tanging siya lamang ang nakita nating hindi pa binigyan ang kanyang sarili ng pagkakataon na makapag-relax at magbakasyon kasama ang kanyang pamilya kagaya na lamang ng ginawa ng ibang talunang kandidato.

Hindi kaila sa isipan ng publiko na ngayon pa lamang ay nanliligaw na ang Leni-Kiko tandem, para sa susunod na tatlong taon sa halalan muli ng pagka-senador ay madagdagan ang bilang ng oposisyon. Tanging si Senador Risa Hontiveros ang nakapasok ngayong 2022 elections sa kanilang hanay. Nagpahayag si Robredo na si Hontiveros na ang kanilang lider at kanila na

lamang ito susuportahan sa oras ng pangangailangan.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon

ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

119

Related posts

Leave a Comment