IGINIIT ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na kung itatalaga ang Philippine International Trading Corporation (PITC) ng Department of Trade and Industry (DTI) o sinoman bilang tagabili ng bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19), dapat tanggalin ng ahensiya ang customary 1 hanggang 4 porsiyentong service fee.
Sa pahayag, sinabi ni Recto na hindi panahon ngayon na kumita ang ahensiya sa pandemya dahil may ilang pribadong kumpanya ang nag-aalis ng bayarin o hindi pinababayaran ang interest kaya dapat iwasan ng isang ahensiya ng pamahalaan na maakusahan ng disaster profiteering.
Sumisingil ang PITC ng komisyon hanggang 4 porsiyento sa mga proyekto na may total contract price (TCP) na P25 milyon at pababa, at isang porsiyento para sa proyekto na aabot sa P700 milyong pataas.
“It could potentially earn hundreds of millions in commission for what is essentially an easy “pasabuy” gig,” ayon kay Recto.
Sinabi ni Recto na malaki ang matitipid ng pamahalaan na lubha nang kinakapos sa pondo at tadtad ng utang, kung tatanggalin ang middleman charges, para magamit sa pagsagip ng buhay at kabuhayan.
“Saan aabot, halimbawa, ang P100 million na service fee? Libo-libong PPE para sa ospital, milyon-milyong modules para sa mga paaralan,” ayon kay Recto.
Sa inaasahang government-to-government transaction, malaki ang matitipid pero hindi ito mangyayari sa isang ahensiya ng pamahalaan sa bahagi ng Pilipinas na mayroong add-on.
“I have no doubt that the PITC will agree to this proposal, more so the four Cabinet members on its 11-person Board – the secretaries of DTI, DENR, DA and NEDA. They are good people,” aniya. (ESTONG REYES)
158 