PITMASTERS CUP SA SETYEMBRE AT OKTUBRE, AARANGKADA NA!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MATAPOS ang matagumpay na Pitmasters Cup Early Bird Edition kung saan 498 entries ang sumali, aba’y panibagong events na naman ang inaabangan ng bayang sabungero.

Ito ay ang Pitmasters Cup na nakalinya sa mga susunod na buwan.

Sa Oktubre ay magkakaroon din ng katulad na events.

Aba’y sa 2022 Pitmasters Cup 10-Stag Derby (local band edition), mayroong format 3-3-4 at ang venue ay sa Manila Arena.

Nasa P88,000 ang pot money at P55,000 naman ang minimum bet.

Siyempre, dahil malaki nga ang bangka at tayaan, tumataginting na P30 milyon ang guaranteed prize o higit pa rito.

Ang derby schedules sa eliminations (3-stag elims) ay sa September 26, Lunes, kung saan mag-uupakan ang mga nasa Set A.

Susundan ito ng sagupaan, 3-stag elims, ng mga nasa Set B sa September 28 (Miyerkoles) habang sa September 30 naman, Biyernes, ang bakbakan ng mga taga-Set C na eliminations din nila.

Ang mga nasa Set D (3-stag elims) ay magpapatayan sa October 2, Linggo.

Pagkatapos ng eliminations, magbabanggan naman sa semifinals ang matitirang fighters.

Sa October 4, Martes, (3-stag semis) ay magtutuos ang mga kampeon sa Set A at winners sa Set B.

Magkakasubukan din sa October 6, Huwebes, sa 3-stag semis pa rin ang mga nasa Set C at Set D.

At ang kapana-panabik sa lahat ay ang magaganap na 4-stag grand finals sa October 8 ­(Sabado).

Kaya naman, huwag po kayong mawawala dahil tiyak na umaatikabong aksyon ang matutunghayan ninyo.

Para sa ano mang concerns o kaya’y ­reservations, mangyaring kontakin sina

Ms. Paula Mae Remetre (09638900723), Ms. ­Jocyl Niegas (09451491719), Ms. Shamela Najera (09663351576), at Ms. Nelia Leoncio (09150964131).

Maraming salamat po at more power sa ating lahat

157

Related posts

Leave a Comment