MAAYOS at payapa ang isinagawang plebesito upang maging isang component city ang Pamahalaang Lokal ng Baliwag, Bulacan nitong Sabado.
Nasa 200 clustered precincts na mayroon tig 15 clustered precincts bawat eskuwelahan ang inihanda ng Commission On Elections (Comelec) para sa 108,572,000 registered voters.
Sa unang bugso ng botohan na nagsimula ng alas-7:00 ng umaga ay hindi gaanong naramdaman ang pagdagsa ng mga botante kumpara sa mga national at local election.
Ayon kay Ma. Luz Regacho, Master teacher II ng Santa Barbara Elementary School, “No untoward incidents happened. Very peaceful, disciplined and organized ang sitwasyon through the assistance from our PNP personnel.”
Sa kabuuan ay umabot lamang sa 23,279 ang partial unofficial na nakaboto na ang itinuturong posibleng dahilan sa mababang pagboto ay ang pag-ulan at kawalan ng interes ng mga botante.
Sa pagtatapos ng bilangan ay nanaig ang “YES” vote.
Ang batas na Republic Act (RA) 11929, An Act Converting the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a component city na tatawaging City of Baliwag ay naisabatas noong nakaraang buwan ng Hulyo.
Ang panukalang batas ay ipinasa sa Kongreso ni Bulacan Second District Rep. Gavini “Apol” Pancho noong 2021.
Naniniwala si Mayor Ferdie Estrella na malaki ang maitutulong ng pagiging lungsod ng Baliwag dahil sa hatid nitong mas maraming mga proyekto buhat sa national government.
Ang cityhood conversion processes ay pinondohan ng munisipyo para sa naturang plebesito na nasa P24-Million. (ELOISA SILVERIO)
244
