‘Plundemic’ hihimayin din sa Senado ANOMALYA SA AMBULANSYA

TINIYAK ni Senador Panfilo Lacson na kanyang tutumbukin ang pangungupit o tinaguriang “plundemic” ng netizens hinggil sa pagbili ng multi-milyong ambulansiya na pawang overpriced ng mahigit tig-isang milyong pisong pondo laban sa COVID-19.

Sa panayam, sinabi ni Lacson na wala itong tutukuying personalidad kahit ang supplier ng ambulansiya, bagkus ilalantad ang corruption sa gitna ng pandemya na dapat magamit sa pagligtas ng buhay ng biktima ng virus.

“Wala tayong tinutumbok na personalidad, not Sec. Duque, nor the supplier. Ang talagang tinutumbok natin corruption. Walang particular na tao,” ayon kay Lacson.

“Ang mga netizens nga nakaimbento ng bagong word, PLUNDEMIC,” giit pa niya bilang pagtukoy sa korapsyon sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Lacson, maraming nag-report at nagsumbong, lalo tungkol sa pandemya. “Nakita nila sa gitna ng pandemic bakit naisip pang mangupit ng pera o mag-overprice.

“Ang LGU mismo nagsabi nabigyan sila ng DOH ng 3 ambulances. Dahil sa pangangailangan at naging curious na rin sila dahil may ledger yan pag tumanggap ka makita mo ang presyo,” giit ni Lacson.

Idinagdag pa ni Lacson na bumili ang LGU ng parehong brand at model, parehong sasakyan, Nissan cargo van.

“Binihisan nila at sinunod nila lahat na equipment na naroon sa pinadala ng DOH na ambulance. Ang ginastos nila, higit P1M sa unit at binihisan nila gumastos sila 300K, so 1.45M. Nakita namin sa ledger mga P2.5M sa DOH,” pagtataka ni Lacson.

“Nagpaliwanag ang DOH na baka di kumpleto ang ambulance na ginawa ng LGU. E kinopya nga eh. At katunayan ang AED, hindi pa dumarating sa LGU hanggang ngayon mula pa nung Sept. nang na-deliver sa kanila ang ambulansya galing sa DOH. September last year pa ang delivery na kulang ang equipment,” paliwanag pa ng mambabatas.

“Hindi ako nakuntento. Nagtanong ako sa private firms, ganoon din. Nag-procure din sila ng sariling ambulance, binihisan din nila ayon sa standard ng DOH,” giit niya.

Sinabi ni Lacson na hindi naglayo ang presyo ng pagkabili ng LGU at binili ng private firms kaya doon pa lang may makitang diperensya higit kumulang na P1M bawat unit. (ESTONG REYES)

156

Related posts

Leave a Comment