PMA CHIEF NAGBITIW SA GITNA NG HAZING PROBE

(NI AMIHAN SABILLO)

DAHIL sa ‘command responsibility’, bumaba sa tungkulin si Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lieutenant General Ronnie Evangelista ngayong Martes, kasunod ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Inihayag ni Evangelista ang kanyang pagbibitiw sa harap ni Commandant of Cadets Brigadier General Bartolome Vicente Bacarrro, sa agarang press conference sa Fort del Pilar sa Baguio City.

“Tapos na ang mga administrative and criminal case gayundin ang prosecution procedures. The last act that this great military institution demands is for the leadership to take responsibility over what happened. In the military tradition of command responsibility, it is now the proper time for me, as the head of the institution, along with the Commandant of Cadets, to relinquish our respective positions,” sabi ni Evangelista.

Nagtapos noong 1986 sa PMA, kasama si Evangelista sa Special Forces ng Army at dating namuno sa Special Operations Command ng armed forces. Bilang battalion commander, nanguna rin si Evangelista sa counter-terrorist Light Reaction Brigade na nagsagawa ng operasyon sa Mindanao.

4 KADETE SIBAK DIN

Pinangalanan na ng Philippine Military Academy (PMA) ang pangalan ng mga kadeteng sangkot sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio

Tanggal bilang mga kadete sina Cdt 3rd Class Shalimar Imperial at Cdt 3rd Class Felix Lumbag dahil sila’y may direktang partisipasyon sa pagkamatay ni Dormitorio, habang si Cadet 1st Class Axl Rey Sanupao dahil pagkunsinte nito sa ginawang pangmamaltrato nila Imperial at Lumbag kay Dormitorio habang si Cadet 2nd Class Nickoel Termil naman ay tatanggalin dahil sa Command Responsibility.

Habang papatawan naman ng suspensyon ang Platoon Leader na si Cadet 1st  Class Irvin Sayud at ang Commanding Officer na si Cadet 1st Class Elbert Lucas habang paparusahan dahil sa Class 1 Offense ang Floor Inspector na si Cadet 1st Class Christian Correa

Matatandaan na una ng Squad Leader na si Maj. Rex Bolo at ang Tactical Officer na si Capt. Jeffrey Batistiana at sabit din sa kaso ang Commanding Officer ng PMA Station Hospital na si Col. Cesar Candelaria at Attending Physician na si Cap. Fort Apostol.

Inihayag naman ni Lt/Gen. Ronnie Evangelista na dahil naisampa na ang mga kasong kriminal at administratibo sa mga suspek sa ginawang hazing kay 4th class Darwin Dormitorio kaya’t minabuti niyang maghain na ng resignation

Pagbibitiw sa pwesto ni PMA Supt. Ronnie Evangelista at PMA Commandant of Cadets Brig. Gen Bartolome Bacarro, tinangggap na ng pamunuan ng AFP

PAGBITIW NI EVANGELISTA TANGGAP NG AFP

Tinanggap na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Ang pagbibitiw sa pwesto ng dalawang  mataas na opisyal ng Philippine Military Academy.

kinumpirma ni AFP Spokesman Marine BGen Edgard Arevalo na tinanggap na ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal ang resignation paper ni PMA Supt. Lt Gen Ronnie Evangelista at PMA Commandant of Cadets  na si Brig Gen Bartolome Bacarro.

Sinabi ni Arevalo, nagbitiw ang dalawa  para bigyang daan ang patas na imbestigasyon dahil naisampa na ang mga kasong kriminal at administratibo sa mga suspek sa ginawang hazing kay 4th class Darwin Dormitorio.

Sa ngayon, wala pang napapangalanang papalit para sa nabakanteng posisyon ng dalawa.

242

Related posts

Leave a Comment