PNA SUPORTADO ‘NURSE IN EVERY BARANGAY BILL’ NI CAMILLE VILLAR

NAGPAHAYAG ng suporta ang Philippine Nurses Association sa panukalang Nurse in Every Barangay Act ni Sen. Camille Villar.

Sa pulong na ginanap nitong Lunes, sinabi ni Villar na layunin ng panukala na matiyak na may sapat na akses ang mga komunidad sa maaasahang serbisyong pangkalusugan.

Sa ilalim ng panukala, bawat barangay ay magkakaroon ng hindi bababa sa isang rehistradong nars upang tumulong sa paghahatid ng pangunahing serbisyong medikal.

Pinahihintulutan din ang mga local government unit na magtalaga ng karagdagang nars depende sa laki ng populasyon at pangangailangan ng komunidad.

Ayon kay Gian Carlo Torres, national president ng PNA, makatutulong ang panukala upang mapalakas ang community healthcare habang lumilikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipinong nars.

Dagdag pa ng PNA, makatutulong din ang programa sa pagsusulong ng preventive healthcare, pagpapalawak ng health education at paglikha ng plantilla positions para sa mga nars sa antas ng lokal na pamahalaan.

Malugod namang tinanggap ni Villar ang suporta ng PNA at iginiit ang patuloy na pakikipagtulungan sa sektor ng nursing upang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

(Danny Bacolod)

114

Related posts

Leave a Comment