MAGPAPATUPAD ng apat na araw na workweek ang Department of Justice ngayong linggo bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang makatipid sa enerhiya sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, bukas ang mga tanggapan ng DOJ mula Lunes hanggang Huwebes habang mananatiling operational ang mga frontline services tuwing Biyernes.
“Tulong-tulong tayo para mapababa ang negative impact ng conflict sa Middle East sa atin,” ani Vida.
Dagdag pa niya, plano rin ng ahensya na bawasan ang konsumo sa kuryente sa pamamagitan ng limitadong paggamit ng air-conditioning mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
“This is moving. Pag may nakita kaming mas magandang sistema, adjust lang kami,” dagdag ng kalihim.
(JULIET PACOT)
99 