PNP Bicol muling nakapuntos P340K SHABU NASAMSAM SA BUY-BUST

NAKAPUNTOS muli ang Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, kaugnay sa walang humpay na kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon sa ulat, isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Zone 1, Brgy. La Purisima, Pili, Camarines Sur ang nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Pili MPS, Camarines Sur Police Provincial Office sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV.

Kinilala ang suspek na si Lito Sinson y Rombano, 41, residente ng Milaor, Camarines Sur, isang newly identified illegal drug personality.

Nakuha mula sa suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang ng 50 gramo at may street value na P340,000.

Nakumpiska rin sa suspek ang dala nitong .22 revolver na kargado ng tatlong bala.

Ang nahuling drug pusher na nasa kustodiya na ng Pili MPS, ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (JESSE KABEL)

159

Related posts

Leave a Comment