PNP-CSG SATELLITE OFFICE HANDOG NG BINANGONAN

SA inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng baybaying bayan ng Binangonan, isang satellite office sa Tagpos Public Market Compound ang inilaan sa Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) kung saan maaaring mag-apply o mag-renew ng lisensya ang mga nagmamay-ari ng baril.

Kabilang sa mga inaasahang makikinabang sa bagong tanggapan ng PNP-CSG ang mga pribadong indibidwal, gun clubs at security agencies na karaniwang naghahain ng bagong application para sa lisensya ng baril, permisong magmay-ari, pahintulot magdala at maging ang proseso ng renewal.

Nagbahagi rin ng kaalaman ang mga opisyal ng PNP sa wastong proseso at naaayong pagganap ng mga private security guard sa kanilang tungkulin.

Sa inagurasyon ng bagong PNP-CSG satellite office, inaasahan naman ni Binangonan Municipal Administrator Russel Callanta Ynares na mas magiging mabisa ang kampanya ng PNP laban sa “loose firearms” sa kanilang lokalidad.

Kabilang naman sa dumalo sa naturang pagtitipon ang mga pribadong nagmamay-ari ng baril, gun clubs, security agencies at maging ang blue guards ng mga pribadong establisimyento.

281

Related posts

Leave a Comment