ITO ang inihayag ni PNP Public Information Office chief, Colonel Randulf Tuaño kahit natapos na ang botohan para sa National and Local Election.
Ayon kay Col. Tuaño, kahit tapos na ang botohan at may naiproklama na ring mga kandidato ay mananatiling nasa full alert status. “Ito po ay mananatili hanggang matapos nang 100 percent ang bilangan [at proklamasyon].”
Magugunitang nagsimulang magpatupad ng kanilang pinakamataas na antas ng alerto ang pambansang pulisya noong Mayo 3, 2025, ilang araw bago ang May 12, 2025 Midterm polls.
Hindi pa naglabas ng actual figure ng election related violence ang PNP at kung ilan ang bilang ng mga namatay o nasaktan sa mga karahasang naganap na may kaugnayan sa eleksyon.
Sa datos ng PNP, lumitaw na tumaas ang bilang ng validated election-related incidents (ERIs) sa 46 habang ang validated non-election-related incidents ay umabot sa tatlumpu’t apat.
May 82 suspected election-related incidents ang kasalukuyang bina-validate ng PNP kaya hindi pa sila naglalabas ng updated number ng casualties nitong nakalipas na halalan.
Subalit una nang sinabi ni PNP chief, General Rommel Francisco Marbil na mailalarawan na generally peaceful ang 2025 midterm elections lalo pa at walang naitalang failure of election saan mang panig ng bansa.
“Very peaceful. Tuluy-tuloy ‘yung pulis natin, tuluy-tuloy ‘yung huli. Sabi ko nga, lahat ng manggugulo tinatanggal namin and we want arrests. I want more arrests. Walang pwedeng gumulo sa eleksyon,” ani Gen. Marbil.
Sa likod ito ng naitalang mga pagpapasabog sa area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ilang kaso ng pagpapaputok ng baril, pagnanakaw, sunog at suspected flying voters, reported more than 90 cases ng vote buying and selling.
May limang kaso rin ng pamamaril na naitala sa BARMM, Negros Island Region at Cordillera Administrative Region (CAR).
“This year’s polls were notably more peaceful compared to previous elections, with only a few election-related incidents (ERIs) reported in areas such as the BARMM and Abra,” ani Tuaño.
Mas mababa rin umano ang validated ERIs kumpara sa naitalang 105 incidents noong 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Subalit mas mataas naman ang bilang kumpara sa 27 reported ERIs noong 2022 presidential elections.
“Nonetheless, these incidents were isolated, and no failure or postponement of elections was recorded anywhere in the country,” dagdag pa ni Tuano, kaya maituturing umano na payapa sa pangkalahatan ang naganap na eleksyon.
(JESSE KABEL RUIZ)
