NAGHAHANDA ang Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang mga kilos protesta kaugnay ng nalalapit na ika-81 kaarawan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa PNP, inatasan ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga police commander na ihanda ang deployment ng mga pulis sa mga lugar na posibleng pagdausan ng mga pagtitipon.
Kabilang sa paghahanda ang paglalaan ng sapat na resources at assets para sa mobilization.
Makikipag-ugnayan din ang PNP sa mga lokal na pamahalaan, iba pang ahensya, at mga organizer upang matiyak ang maayos na koordinasyon.
Nauna nang inihayag ng mga tagasuporta ng dating pangulo, na kasalukuyang nasa The Hague, ang planong magdaos ng pagtitipon sa araw ng kanyang kaarawan.
Tiniyak naman ng PNP na igagalang ang karapatan ng publiko sa mapayapang pagtitipon habang ipatutupad ang maximum tolerance sa mga aktibidad.
(TOTO NABAJA)
85 