PNP, PDEA, PINAGLARUAN NG DRUG SYNDICATE?

HINIHINALA ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na napaglaruan ng sindikato ng droga ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na nasangkot sa misencounter sa Quezon City.

“Sa suspetsa natin sana naman hindi ito ang totoong nangyari baka they are being played by syndicate. Sila na ang pinag-aaway. Baka diskarte ito ng sindikato,” saad ni dela Rosa.

Nanindigan naman ang senador na kapag ganito na ang sistema ng sindikato ay maituturing na epektibo ang kampanya laban sa droga dahil nasasaktan na ang mga ito.

“Kapag nagreact na nang ganun ang sindikato, nahihirapan sila,” diin ng mambabatas.

Iginiit pa ni dela Rosa na kapansin-pansin ngayon na bumababa na ang suplay ng shabu at halos marijuana na ang ibinebenta ng mga sindikato.

“So that maybe part of their tactics to make sure both camps will fight each other. And this could lead to President Duterte telling both the PDEA and PNP to hold off their drug operations and fix their coordination first,” diin pa nito.

“That would definitely give them a window of opportunity to pursue their illegal drug trade. But that’s just one of our theories,” dagdag pa ng senador.

Hindi rin naman inaalis ni dela Rosa ang anggulo na may tiwaling opisyal sa loob ng PDEA o PNP na maaaring sangkot sa iligal na aktibidad.

“That is also one of the things I suspect. I’ve been an operative before and I’m familiar with such operations. That even if both sides claim they were doing legitimate buy-bust operations, I have suspicions that someone from, or somebody or one from each side is involved in selling,” pahayag ng senador.

Gayunman, sinabi ni dela Rosa na mas makabubuting hintayin na lamang ang kanilang pagdinig sa Martes, Marso 2 para malinawan ang insidente. (DANG SAMSON-GARCIA)

254

Related posts

Leave a Comment