‘POC RULES AND BYLAWS, DAPAT NANG BAGUHIN’

poc12

(NI JEAN MALANUM)

BUMABA sa puwesto bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) si Ricky Vargas, dalawang linggo na ang nakalilipas

at naiwang nakabitin at hindi naresolba ang mga isyung ibinato laban dito, gaya ng pagpasok sa mga kontrata nang walang basbas ng board.

Nitong nakaraang linggo, inihayag ni POC chair Bambol Tolentino ang pagsasagawa ng special election para sa pitong posisyong ibinakante (kasama na ang puwesto ni Vargas).

Kaugnay nito, sinabi ni POC Secretary-General Atty. Charlie Ho, na kinakailangan na ng executive board na pag-isipang baguhin ang POC rules and bylaws matapos ang mga kontrobersiyang nangyayari, na kamuntik nang makaapekto sa pagho-host ng bansa sa papalapit na 30th Southeast Asian Games.

“I think we have to look at the root cause of how all of this started. And all of these started with questions that were brought to our former president Ricky Vargas,” pahayag ni Ho sa panayam ng ANC.

“As of today, none of these questions has been addressed. So to be able to get everybody back together and unite everyone, all these issues and questions will have to be resolved,” dagdag pa niya.

Ang itinakdang special election para sa mga nabakanteng posisyon ay dapat sanang ganapin sa Biyernes, Hulyo 5, subalit ipinagpaliban matapos makialam ang International Olympic Committee (IOC) at iniatas na resolbahin muna ng POC ang internal issues nito, bago isagawa ang anumang eleksyon.

“With the intervention of IOC, they will be sending an observer to guide and supervise our activities and our elections,” pagtatapos ni Ho.

190

Related posts

Leave a Comment