POE, TUGADE INUPAKAN SA PASOSYAL NA MRT; AYUSIN BAGO LUHO – SOLON

mrt3

(NI BERNARD TAGUINOD)

“AYUSIN muna natin ang mga tren bago ang luho.”

Ito ang mensahe ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng panukala na maglagay ng business class coach sa Metro Rail Transit (MRT)-3 upang maenganyo ang mga may kotse na sumakay dito.

Ayon sa mambabatas, kung mayroong dapat tutukan ang DOTr ay tiyakin muna na maayos at maparami pa ang mga tumatakbo tren at siguradong hindi papalya ang operasyn ng MRT-3.

Kapag nagawa umano ito ng DOTr, ay saka na ikonsidera ang business class na bagon at tiyak na mauunawaan ito anya ng mga ordinaryong commuters subalit sa ngayon ay hindi ito dapat aniyang bigyan ng prayoridad.

“Putting up business class coaches at this time will only divert the focus of the Transport department from addressing the pressing and important need to help commuters reach their destination,” ayon pa kay Casetlo.

Una rito, inilutang ni Sen. Grace Poe ang pagkakaroon ng business class na bagon ng MRT-3 kung saan singilin ang mga mananakay ng P200 hanggang P300 sa pagsakay at target dito ang mayayaman  upang hindi na gamitin na ang mga ito ang kanilang kotse.

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade pag-aaralan nila ang panukala ni Poe at hindi lamang sa MRT-3 ito ipapatupad kundi sa  mga tren papuntang Clark, Bicol at maging sa Mindanao.

Tila hindi ito nagustuhan ni Castelo dahil alam umano ng lahat ng hindi pa maayos ang MRT dahil sa mga problemang nararanasan dito ng mga commuters sa mga nakaraan.

“That should be the focus because as of now MRT coaches are erratic, insufficient, and totally unreliable causing inconvenience and suffering to consumers,” ani Castelo.

 

 

166

Related posts

Leave a Comment