POLICE VISIBILITY SA MANILA PAIIGTINGIN, PALALAKASIN 24/7

PINANGUNAHAN ni Manila Police Director Police Brigadier General Benigno Guzman ang pag-iikot sa bawat istasyon ng pulisya sa kanyang nasasakupan sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay PBGen. Guzman, tuloy-tuloy ang operasyon 24/7 sa bawat presinto sa Station 1 hanggang Station 14, maging ang mga tauhan ng Police Community Precinct, (PCP) kasabay ang Mobile Patrol Units, SWAT team, motorcycle riders at bicycle patrol na walang patid ang pagpapatrulya sa kanilang area of responsibility (AOR).

Nabatid mula kay Police Major Philipp O. Ines, hepe ng Public Information Office (PIO) ng MPD, bukod dito ay may body system ang mga pulis na magsasagawa ng ‘walking and beat patrol’ sa mga lansangan, simbahan, parke at malls.

Ito ay upang maging mapanatag at ligtas ang mamamayan at kahit sa dis-oras ng gabi hanggang sa madaling araw ay nakahanda ang mga pulis sa lansangan.

Nabatid pa mula kay General Guzman, magtatalaga ng 1,680 pulis at security officers sa iba’t ibang lugar sa NCR-Metro Manila bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang police visibility.

Karagdagang 1,120 personnel naman ang ide-deploy matapos ang operations briefing sa NCRPO sa pamumuno ni NCRPO chief, Police Major General Anthony A. Aberin sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

(RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment